Bakit kaya nagawang ipagpalit ni misis si mister sa kanyang katrabahong nurse? Ang mas masaklap, huling-huli ni mister ang mga chat conversations ni misis at kalaguyo nitong kalaro niya pa sa basketball! Alamin ang buong istorya sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Napasugod sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) noong Jan. 31 ang ilang vape shop owners para ireklamo ang influencer & Chief Operating Officer ng Flare vape brand na si Mika Salamanca at kasabwat nitong, importer! Nahikayat raw ang mga biktima na mag-pre order ng vape products kila Mika dahilan para matangayan sila ng mga ito ng ₱100k - ₱300k pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na produkto o refund man lang. Alamin ang buong istorya! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Hindi na napigilang mapahagulgol ni Vilma Pila nang makita ang container ng labi ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančič nang maibalik ito sa Pilipinas. Si Marvil ang Pinay na pinaslang ng kanyang Slovenian husband noong Dec. 29, 2024. Labis ang pasasalamat ni Nanay Vilma at pamilya nila kay Idol dahil sa mga tulong na kanyang ipinaabot at napabilis ang pagpapauwi sa anak. Alamin ang buong istorya sa video na ito. #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Mangiyak-ngiyak sa tuwa ang dalawang bagong laya na sina Christian Salvacion mula Sablayan Prison and Penal Farm, Occidental Mindoro at Antonio Nogra mula Muntinlupa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa buhos ng biyayang ipinagkaloob sa kanila ni Sen. Idol! May pa-surprise dedication song din na inalay si Antonio para kay Idol. Alamin ang mga kwento nila sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Mahigit isang taon ding kinimkim ni mister ang panlolokong nagawa sa kanya ni misis ngunit hanggang saan aabot ang tibay ng kanyang loob? Ang masaklap, mismong si mister ang nakasaksi ng tadtad ng kabastusan na conversation ni misis at ng kalaguyo nito! Maayos pa kaya ni Idol ang gusot nila? Panoorin! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Mabibilib kayo sa loyalty ni kuya kay misis dahil pati mga payo ng netizens at mismong advise ni Idol Raffy tinabla! Gagawin daw ni mister ang lahat makuha lang muli ang loob ni misis at mabuo ang kanilang pamilya sa kabila nang panloloko nito't pagkausap sa iba-ibang lalaki! Alamin ang buong kwento! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Dumulog sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Lea May Estorpe upang mapanagot ang pumatay sa kanyang kapatid na si Sheila Mae dela Cruz, 16, grade 10 student na natagpuan na lamang ang bangkay sa loob ng palutang-lutang na maleta sa Sapang Alat River, Bulacan noong February 13. Huling nakita ang biktima sa birthday ng pinsan nito noong Feb. 6 at umalis nang tawagan ng kaibigang si Jhemielyn Campilan para magpasaklolo dahil sinasaktan ng kanyang kinakasamang si Hamem Usman alyas “Mikee.” Alamin ang buong kwento sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Mula Mexico, lumipad patungong Pilipinas si Thabatta Lopez para humingi ng tulong kay Sen. Idol Raffy Tulfo. Si Idol Raffy na lang ang nakikita niyang pag-asa upang mabawi ang anak niyang 6 years old na kasalukuyang nakatira sa kanyang mga biyenan. Labis na naging emosyonal si Thabatta nang magawan ng paraan ni Idol para makausap niya muli ang kanyang anak sa telepono. Panoorin ang pagtatagpo ng mag-ina! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Kinuwestiyon ni Sen. Tulfo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasara at hinahayaan lamang ng Department of Tourism na mag-operate ang All Hands Beach Resort sa Subic, Zambales. Matatandaan na isang bata ang namatay sa nasabing resort noong June 28, 2024 matapos kapitan ng dikya habang nagsu-swimming, at lumapit sa RTIA ang kanyang magulang upang humingi ng tulong na maipasara ito. Tanong ni Idol, bakit tila napakalakas ng may-ari nito sa mga ahensya ng gobyerno? #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Dalawang araw matapos magsumbong sa Raffy Tulfo in Action, nabayaran na ng inirereklamong subcontractor na A.G. Araja Construction and Development Corp ang tinatayang 400 construction workers ng MRT-7 Project na halos dalawang buwan nang atrasado ang sahod. Matatandaang napasugod sa sa RTIA noong February 17 ang mga nasabing manggagawa para ireklamo ang bulok na sistema ng subcontractor na ito. Agad inobliga ni Sen. Idol ang pamunuan ng A.G. Araja na ibigay sa mga empleyado ang nararapat para sa kanila. Alamin ang buong detalye sa video na ito! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Nagsagawa ng surprise inspection si Migrant Workers Committee Chairperson Sen. Raffy Tulfo sa ating Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai, United Arab Emirates. Pagpasok pa lamang ni Sen. Idol sa waiting area para sa mga nagpapa-proseso ng contract verification ay binulaga na agad siya ng sandamakmak na reklamo mula sa mga OFWs na naroon. Alamin ang mga naging kaganapan! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Nagsumbong kay Sen. Tulfo ang sampu sa 27,000 estudyante ng Bestlink College of the Philippines na sapilitang pinadalo sa 23rd Founding Anniversary ng eskwelahan kung saan kaliwa't kanang perwisyo ang idinulot sa mga mag-aaral! Ang masaklap pa, matapos ang mala-impyernong dinanas ng mga estudyante ay nagawa pa silang pagbantaan ng ilang propesor na ipinalilista ang lahat ng mga nagrereklamo sa pamamagitan ng mga group chats. Alamin ang agarang pag-aksyon ni Idol! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Mga lods, kahit anong tibay ng dibdib ninyo ay tiyak na maiiyak kayo sa istorya ng magkapatid na ito! Panoorin at alamin ang buong kwento! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Inireklamo ni mister sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) si misis dahil sa pagkakaroon nito ng anak sa mismong ka-fraternity brod niya pa! Bwelta ni misis, matagal na raw silang nagkasundo ni mister na maghiwalay ng landas kapag may nagustuhan na silang iba. Magkabalikan pa kaya ang dalawa? PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Bistado ni Sen. Tulfo ang bagong estilo ng pang-iiscam ng mga kawatan sa bentahan ng mga high-value properties gaya ng mga sasakyan! Napag-alaman ito ni Idol nang humingi ng saklolo sa RTIA si Vivian Lim na nakabili ng brand new Ford Everest at nang mabangga noong Dec. 25 ay nalaman na lang niya na hindi pala nakapangalan sa kanya ang sasakyan at naka-bank financing pa kahit binayaran niya mismo ito sa casa ng ₱2.1 million in cash! Huwag palampasin ang kwentong ito para hindi ka mabiktima! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Certified senior citizen na si Tatay Romulo pero sa edad na 61 ay wala pa ring kupas at naka-three points pa! Biniyayaan pa si Tatay ng triplets na anak! Kaya naman patuloy ang kayod at pagsusumikap ni Tatay para sa pamilya lalo na sa kanyang mga bagong supling. Panoorin ang nakakatuwang kwento ni Tatay Romulo! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Grabe mga lods, hindi niyo kakayanin ang mga eksena sa video na ito! HINDI LANG PALA ISA ANG KUMAIN SA BUKO PIE NI LARRYLEN, DALAWA PALA! 🥵😱🫣 Alamin ang kung paano pag-agawan nila kuya ang kanyang buko pie! 🥧 #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Naging dream come true para kay Edison, isang tatay na PWD nang tuparin ni Idol Raffy ang inaasam-asam niyang house and lot para sa pamilya! Humanga si Idol kay Edison nang malaman kung paano siya nagpupursiging maitaguyod ang kanilang pamilya sa kabila ng kanyang kapansanan. Panoorin ang buong kwento ni Edison! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Kinuwestiyon ni Sen. Tulfo ang nararanasang diskriminasyon ng maraming job applicants sa bansa base lamang sa edad. Ito ay matapos ibahagi ng ilang OFWs kay Idol kung saan hirap silang makahanap ng trabaho pagbalik sa Pilipinas kahit na malakas pa sila dahil sa age limit ng mga local companies na mas pinapaboran ang mga bata. Dahil dito, imbes na magkaroon ng reintegration ang ating mga OFWs, napipilitan silang mangibang-bansa ulit kahit meron pa naman silang kakayahan sanang makapasok sa trabaho sa sariling bansa. PANOORIN! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon
Inireklamo ni Imelda Bulatao sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang balasubas nilang kapitbahay na si Jeric Magalong na matagal na raw sakit sa ulo sa kanilang komunidad. Kwento ni Imelda, bagaman napatunayan nang mentally challenged si Jeric ay pilit pa rin daw nakakalaya ito at naibabalik sa kanilang lugar. Alamin ang buong detalye! #Tulfo #RaffyTulfo #RaffyTulfoInAction #IdolMoSaSenado #KakampiMoSaSenado #NakikinigLumalabanUmaaksyon